“ If loving you is a crime, I’d love to be jailed forever ” – Rico

“If loving you is a crime,

I’d love to be jailed forever” – Rico

Nora Calderon

Blockbuster sa takilya ang “Got 2 Believe” na bagong movie nina Rico Yan at Claudine Barretto after three years na hindi sila nagkatambal. In the Philippines, nasa third week of showing na ito at malakas pa rin sa takilya. On and off the camera na mag-sweetheart ang dalawa kaya nakakatuwa rin silang kausapin separately.

Wedding planner si Claudine at wedding photographer si Rico sa story. Kung fairy tale wedding na kinu-conceptualize ni Claudine ang lagi niyang kinukunan as a wedding photographer, ano namang klaseng wedding ang gusto niya para sa kanila ni Claudine?
“Ala-Matrix wedding, na naka-leather wedding gown si Claudine? No, seriously, kung ako, gusto ko iyong old style of wedding, pero in an island na mga close family and friends lamang ang nandoon at gusto kong naririnig ko iyong sinasabi ko sa wedding, iyong ‘I do’s’ namin. But so far, wala pa kaming plans to get married ni Claudine in the next five years. Will it be Claudine? I hope so. Pwede kasing within that five years, may makita siyang iba na mas magugustuhan niya kaysa sa akin. At ako naman, pwede ring may makitang iba. But for now, sure kami ni Claudine na we really love each other and hoping na kapag ready na kami pareho, na kami pa ring dalawa.”

Anong traits ni Claudine ang minahal niya?

“Alam ba ninyong ang na-discover ko kay Claudine, napakalinis niya sa banyo. Madalas iyan dinadatnan ko sa bahay niya na naglilinis ng banyo, parang iyon na ang paborito niyang room of her house. Kapag sinasamahan ko rin siyang mag-grocery, una niyang pinupuntahan, ang mga gamit sa banyo, lahat yata ng klase ng cleanser, binibili niya.
“Napakamaalaga rin ni Claudine. Kung minsan, kahit wala ako sa bahay, dumarating iyon, at ang una niyang titingnan, ang kitchen. Bubuksan niya ang refrigerator, ang pantry, rice dispenser at tinitingnan kung ano ang kulang. Kapag nailista na niya ang lahat ng kailangan, either siya ang pupunta sa grocery o di kaya, bibigyan niya ng pera ang helper ko para siya ang bumili.

“I really like her motherly instinct, malambing siya, maasikaso, innate na siguro iyon sa babae at kapag ganoon, feel kong immature pa rin ako hanggang sa ngayon. At wala na akong masasabing bad traits na ayaw ko sa kanya.”

Ano naman ang pwedeng hindi nila mapagkasunduan ni Claudine?

“My poor communication skills. I’m not as attentive sa mga sinasabi niya. At iyong pagli-link sa akin sa ibang babae. Pero maayos naman niya akong kina-kausap tungkol sa mga ganoong issues at sasabihin niya sa akin na “I trusted your judgment and it’s up to you to solve those problems.’ Iyong issue na ‘yon, masyado lang blown into proportion. Respeto ko kasi kay Claudine na huwag gumawa ng hindi maganda dahil alam kong makakaapekto iyon sa aming relasyon. “Binabago ko na rin iyong ugali kong matigas ang ulo ko, iyong pagiging masyadong moody, masyadong mag-isip. Kapag ganoon na ako, pina-pacify ako ni Claudine. Ngayon, lagi ko nang kinu-consider ang feeling ng ibang tao sa mga moods ko, especially si Claudine.

“More than four years na kami ni Claudine at a few months bago niya ako talaga sinagot, last March 4, 1998, muli akong nanligaw sa kanya, although girlfriend ko na siya talaga noon, dahil hindi raw naman ako nagsabi sa kanya ng “I love you.”

Last Valentine’s Day, nagkaroon ng chance ang dalawa na makapag-celebrate nito pero sa bahay na lamang ni Claudine dahil pareho lamang silang na-pack-up nang maaga sa taping. Sinorpresa ni Rico si Claudine nang pagdating nito sa kanyang condominium unit, naka-set na ang dinner table at nakapagluto na si Rico ng mga favorite dishes ni Claudine.

May love message ba siya kay Claudine?

“If loving you is a crime, I’d love to be jailed forever.”

 

 


Source:  http://ricoclaudinecyberfriends.yuku.com/topic/429/Old-articles-from-likhanewsmagcom#.V6THhegkrIU

 

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s